Sunday, September 23, 2012

O, Intramuros!

Simulan ang Paglalakbay!

ANG SENTRO NG PLAZA DE ROMA, INTRAMUROS


Sa likod ng grupo ay ang rebulto ng Hari noon ng Espanya na si Haring AL REY D. CARLOS IV.


























Ayon kay Mark Manga sa kanyang blog (www.markmanga.com), ipinatayo ito noong 1824 bilang pagbibigay gunita sa pagpasimula ni Haring Carlos IV ng smallpox vaccine dito sa Pilipinas noon.
Sa pagkakaluklok ng estatwa sa harap ng simbahan, maiisip sa simula na bakit ang dalawang istruktura na dati’y magkatunggali-siyensiya (ang estatwa) at relihiyon (ang simbahan)- ay pinagharap. Maaaring “ironic” ang dating ngunit marahil malaki talaga ang naiambag ng Hari sa mga Pilipino noong mga panahon ng malubhang karamdaman. Pwede ring mahinuha dito na ang kombinasyon ng relihiyon at siyensiyang ambag pareho ng Espanya ay nakatulong nang malaki sa buhay ng mga Pilipino. Ang estatwang ito ang sumisimbolo sa pasasalamat na binigay ng ating mga ninuno.

Karagdagang panananaw: karugtong mula sa nasabing blog ni Mark Manga, noong 1960 ay pinalitan ang estatwa ni Carlos IV ng estatwa ng Gomburza. Ngunit noong 1981 ay ibinalik muli ang estatwa ni Haring Carlos IV. Maaaring ito ay manipestasyon na tayo ay maka-Espanya pa rin. Ngunit kung aking ilalagay ang sitwasyon sa panahong iyon, ako ay lubos na magpapasalamat kay King Charles IV sapagkat tinulungan niya ang mamamayan dito sa Pilipinas noon na mapagaling ang mga taong may “smallpox” Malaking tulong ang ginawa lalo na’t kakaunti lang ang mga pilipinong nakapagaral ng medisina noon.
 ALE, ALE, PABILI HO! 
Isa sa mga maninida sa Plaza de Roma ay ang Manong na ito na nagtitinda ng Ice Cream

Hindi ipinagbibili itong mga santo, sa halip ay naglilibot sila sa mga simbahan dito sa Intramuros upang makipag-barter sa ibang nasirang santo.

Hindi na marahil bago ang magtataho saan man, isa rin ito sa mga itinitinda sa palibot ng Plaza Roma

Pinaliwanag naman ng aleng nagbebenta ng rosaryo na bumili daw kami para mapuno kami ng biyaya lalo pa’t ang araw na iyon ay kaaarawan ni Birheng Maria.

Tila sanay na at tila napapagod na magpakuha ng larawan itong isang manininda ng coin purse na may iba't ibang hugis ng hayop. Gayun pa man, dali-dali kaming nagpakuha ng larawan.

Bilang pasasalamat sa pagpayag na makunan ng retrato, bumili ng isang piraso bawat produkto ang ilan sa mga myembro, maliban na lang sa coin purse at pana at mga estatwa ng santo na hindi pinagbebenta, sa halip ay pang-barter lamang. Pinaliwanag naman ng aleng nagbebenta ng rosaryo na bumili daw kami para mapuno daw ng biyaya ang aming buhay lalo pa’t kaaarawan daw ni Birheng Maria.


Nakakatuwa rin na nagbebenta sila ng produktong Pilipino, subalit kakaunti lang ang tao sa lugar at hindi kasing sigla ng iba pang tourist spots.



Umaasa ang mga maninindang aming nakasalamuha sa mga taong namamasyal, nagsisimba, at mga dayuhan sa paligid ng Plaza Roma. Nakatulong ng malaki ang pagiging sikat ng lugar sa kanilang pangaraw-araw na buhay kahit sa kaunting paraan. Kahit babad sa sikat ng araw, tinitiis pa rin nila ang kanilang hanapbuhay upang matustusan ang pangangailang ng kanilang pamilya. Ang ganitong eksena ay makikita rin sa nobelang Noli Me Tangere ni Rizal kung saan ang mga manininda ay kinukuha ang oportunidad na makapagbenta sa matataong lugar tulad ng sa sabungan.


ERNING ANG KUTSER; TIKBOY, ANG KABAYO, NASAAN KAYO?

Ang aming napagtanungan ay si Mang Danilo Gonzales. Ayon kay Mang Danilo, namatay na ang sikat na kotsero na si Mang Erning noong nakaraang taon at wala na rin ang kabayo niyang si Tikboy. Ngunit buhay pa ang kanyang anak na namamalagi pa rin sa Intramuros, pero wala siya sa mga panahong iyon. Kaya naman sa kanya na laman kami nagpakuha ng larawan kasama ang kanyang kabayong si Castano. Matagal na raw siyang nasa serbisyong ito, simula pa noong 1976. Natuwa pa nga siya sa aming binigay naming isang supot ng mamon, na binili ng grupo sa Red Ribbon. 

Ang bawat pagsakay sa kalesa ay nagkakahalaga ng P350 na sa aming palagay ay sobrang mahal naman, kaya hindi na kami sumakay, pero mukhang masayang subukan ito kapag hindi nagmamadali.

Nakakapagtaka sa amin kung bakit kung ganoon kamahal, bakit ang kinikita lang daw ng mga kutsero ayon sa media ay 200 pesos kada araw. Tila napakalayo naman iyon sa bayad at wala namang gastos ang damong pangkain sa kabayo. Maaari nating isipin na baka mahirap ang maintenance ng kalesa at sapatos ng kabayo o marahil iba talaga ang may-ari ng kabayo at tulad ng mga jeepney drivers, ang porsyento ng kinikita nila ay napupunta lamang sa may-ari ng kapital.

Maliban sa maintenance ng kalesa at iba pang materyal sa gastusin, pati na rin ang pagbayad ng kapital, maaari na mahal nga ang isang sakay sa kalesa dahil ito na ay nagiging isang “novelty activity” at higit na ginagamit na lang bilang pangakit sa mga turisto. Sa lagay ng transportasyon ngayon, hindi na nga praktikal ang sumakay ng kalesa para makarating sa isang lugar kaya’t ito ay nagiging isang “leisurely/recreational activity”. At alam naman natin lahat na marami sa mga gawain na ito ay nagmamahal talaga kapag linalagay sa konteksto ng turismo.


GWAPO!

Rayadillo#1 Nagpakuha ang grupo kay Mang Jay habang nasa "guardhouse" ito.
  


Rayadillo#2 Noong una ay sinita pa kami ni Manong  Bernard, dahil umano  ay nag"ppphotoshoot" ang grupo. Ngunit madali lang naman pala siya kausap nung tinanong namin kung pwede kami magpakuha ng larawan kasama siya.


Rayadillo#3 Habang naglilibot si Mang Jomar  sa loob ng Fort Santiago, lumapit ang grupo para magpakuha ng larawan kasama siya.

Napansin ng grupo na lahat ng gwardiya na nakasuot ng rayadillo, at galing sila sa nagiisang agency na nagngangalang, RJC Agency. Kulay light blue ang kanilang mga Rayadillo na mukhang makapal at mainit. Para ngang hindi angkot sa Pilipinas ang disenyo ng damit dahil mainit, and sombrero ay hindi rin gawa sa materyal kung saan makakalusot ang hangin. Mababait naman sila, pero tila masyado silang marami sa malapit sa simbahan kahit walang masyadong tao. Maaaring dahil ginagawa ang simbahan at walang pumupunta dito.

Maliban sa hindi ito angkop sa klima ng bansa, maganda rin na kahit papaano, napapanatili at napepreserba ang isang aspeto ng kultura ng Pilipino, ang kasuotan, at nakadadagdag din ito sa antigong larawan ng siyudad.

Tila sanay na sila sa mga turistang/mga taong nagpapakuha ng litrato kasama sila. Ngunit may isang Rayadillo na lumpait samin ang akala niya ay magkakaroon kami ng “photoshoot” dahil sa aming costume/kasuotanng Filipiniana. Ayon sa kanya, kapag kukuha ng litrato na naka-costume, kailangan raw magbigay ng konting “donasyon”. Dali naman naming ipinaliwanag na ang aming ginagawa ay isang aktibidad lamang sa eskwelahan.

Ang totoo, ang mga pangalan ng rayadillo na aming kasama sa litrato ay sa ibat ibang parte ng intramuros, 2 ay sa Manila Cathedral at ang iba ay pa ang mga rayadillo na nakakalat sa Fort Santiago at sa ibang parte ng Intramuros. Pakalat-kalat lamag sapagkat sila ay mga “security guard” ng buong Intramuros at kailangan nilang isuot ang Rayadillo upang maranasan/makita ng mga turista ang dating suot ng mga gwardiya sibil nuong panahon ni Rizal.


PAGWAWAGIIN ANG AGHAM LABAN SA KAMATAYAN

Larawan ng grupo kasama ang lilok ni Rizal sa loob ng Shrine.
Sa loob ng Rizal Shrine makikita ang iba’t ibang sining na ginawa ni Rizal. Nakasabit dito ang malalaking wall kung saan nakasulata ng kwento ng buhay ni Rizal. Narito rin ang kopya ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo na may mga papel na mukhang matanda na at naninilaw na. Marami ring mga pigura at kabilang dito ang nasa litrato na kumakatawan sa pagwagi ng edukasyon, partikular ng agham, sa sinasabing kamatayan o sa aming palagay ay ang pagiging mangmang at bulag sa katotohanan. 

Tinaguyod ni Rizal ang importansya ng edukasyon sa pagbibigay ng mga paliwanag sa mga pangyayari at sa pagbuo na rin ng ating sariling pag-iisip. Kung hindi pinagkait ng mga espanyol ang eukasyon, mas maagang nagkaroon ng sapat na kaalaman ang mga Pilipino sa mga panahong iyon, mas makatatayo sila para sa kanilang mga sarili at ipaglaban ang kanilang mga karapatan.

Bilang mga mag-aaral din sa unibersidad, masasabi rin na ang kahulugan ng pigurang ito ay maididikit sa ating karanasan. Hawak ang oportunidad na makakamit ng dekalidad na edukasyon at marating ang ganitong antas ng pag-iisip, nagkakaroon tayo ng kakayahan na kilalanin ang tama mula sa mali. Gamit ang edukasyon, mas may kakayahan tayo na iwasan ang kamatayan dulot ng kamangmangan dahil gamit ang ating nalalaman, nagkakaroon tayo ng mas malalim na pagtingin sa mga bagay bagay lampas pa sa mga bagay na ating tuwirang nakikita.


ANG TANGKAD!


Sa aming tantiya, si Jose Rizal ay 4’11”. Payat o maliit ang istruktura ng katawan.

Noong inilalarawan natin si Rizal sa klase, hindi ganito kaliit ang nasa isip ko noon. Kaya laking gulat ko na mas maliit pala siya sa aking inakala.




 MAHIWAGANG LAMPARA 

Nakapaloob ang maliit na lampara sa loob ng salamin sa kwartong tinatawag na Galeriya sa Beranda. Dito itinago ni Rizal ang orihinal na kopya ng sinulat niya Mi Ultimo Adios bago siya mamatay, upang hindi makita ng mga gwardiya. *kanino nga niya bnigay?* Sinisimbolo nito ang liwanag at pag-asang handog ni Rizal para sa mga kababayang pinagsakripisyuhan niya.

Sinisimbulo rin nito ang pagpasa ng responsibilidad na pagsilibihan ang bayan sa mga susunod na henerason. Kahit na nakapaloob dito ang isang paalam, isa itong magandang simula ng isang pagbabago.

















PAPUNTANG BINONDO! 
        

Hindi gaanong maganda ang tanawin dito. Kitang-kita ang maruming ilog at ang mga magugulong bahay, tindahan at maliit na gusali sa likod nito, malayo sa kung ano ito noong panahon ni Rizal. Huminto nga rito nang matagal ang mga turistang Hapon at marahil ay nilalait na nila sa kanilang utak ang maruming lugar na ito. Gayunpaman, unti-unti nang nililinis ito at siguro napabuti na kahit papaano ang kondisyon dito. Higit pa riyan, makikita sa komunidad na ito ang patuloy na pamumuhay ng mga tao sa likod ng kahirapan at mga kalamidad na kanilang tinatamasa, na siyang nagpapakita ng pagiging matibay ng mga Pilipino.

Mapapaisip ka tuloy kung dapat pang paalisin ang mga naninirahan sa tabi ng ilog upang mapaunlad ang turismo? Dapat nga bang ipakita lang ang kagandahan ng Pilipinas o dapat nilang makita ang realidad? May isang nakaka-aliw na lalakeng nagsasagwan salungat sa agos ng ilog at hindi siya gumagalaw sa puwesto niya.
Makikita rin sa tanawin na ito ang dalawang mukha ng lipunan-ang mga mas nakaaangat sa mga nagtatayugang gusali at ang mas nakabababa sa mga dikit-dikit at maliliit na mga bahay. Sa kabila ng ganitong larawan, makikita na ang Ilog Pasig ay tila “nagdurugtong” sa dalawang mukhang ito. Pareho itong ginagamit na drainage at maging moda ng transportasyon ng dalawang bahagi ng tanawin. Masasabi na sa paglipas ng panahon, mula noong panahon ni Rizal hanggang ngayon, naging madumi man ang Ilog Pasig, nanatili pa rin itong nakalagak sa gitna ng Maynila at patuloy na dumadaloy kahit na ang paligid nito ay patuloy na nagbabago.

Dahil sa tanawin na ito, maitatanong mo talaga sa sarili mo kung paano at bakit nagkaganito ang sitwasyon sa Pilipinas? Dahil sa laki ng discrepancy na namamagitan sa mayaman at mahihirap, hindi mo mapipigilan ang mga isipan kung meron pa ba talagang magagawa para mapabuti muli ang lagay ng bawat mamayan at maging pantay ang lahat. Ngunit ito nga ang realidad kahit noong panahon pa ni Rizal, ni ata isang beses nagkaroon ng oras na naging pantay ang lahat. At gaya ng hinding mapipigilan na tuluyan ng pag-dumi sa ilog pasig, siguro ay maslalaki pa ang discrepancy na ito. Nakakalungkot nga lang na miski ang mga banyaga ay nakikita na rin mismo itong pangyayari sa ating bansa.
Tapos na nga ang digmaan dulot ng pananakop ng mga banyaga ngunit kung iispi’y kabalintunaan ito ng kalagayan ng ating mga ilog. Nananatili pa rin ang pakikibaka para sa kalinisan ng ilog na ito at para sa pag-unlad ng Pilipinas sa kabuuan.



IHAWI SA KALIWA

Ang hati niya ay nasa kaliwa dahil ito ay ang nauuso noong panahon na iyo at matipuno tignan kapag ganun ang hawi.


















PASIMPLE...
Mapapansin ng kahit na sinumang pumasok sa loob ng Fort Santiago ang estatwa ni Rizal sapagkat maliban sa malaki ito, ito pa ay nakatayo sa sentro ng Fort. Makikita na dito ay may hawak si Rizal ng nakabukas na aklat habang nakapamaywang at nakatingin sa malayo. Para sa grupo, sinsimbulo nito ang hamon nito sa lahat ng nakakakita rito. Ito ang hamon na mamuno at mapansin hindi sa pakay na pansarili kundi sa layuning makapagsilbi sa bayan. Ang bukas na aklat ay nangangahulugang edukasyon ang susi sa matagumpay na hinaharap. Gaya ni Rizal, ang pagtingin dapat natin ay malayo tungo sa magandang kinabukasan.

P.S. bawal daw magpicture kami kasi inakalang magphotoshoot kami dahil sa costume namin kaya pasimple lang pic namin. 




PISO


May apat na tag-25 sentimos (isang piso) na nasa may paanan ng estatwa. Ang itim na estatwang ito ay maliit at nakasuot ng Americana. Mayroon itong niyutral na ekspresyon sa mukha at nakatali ang mga kama.

Nakasara ang kulungan at mukhang pinagbabawal na ang pagpasok dito. Madilim din sa loob kaya hindi na namin nakita ang estatwa. May malamig ding simoy ang lumalabas mula rito, na para bang may kababalaghan o baka naman kalungkutan lamang na sinasagisag ng mga mapanglaw at mapait na nangyari sa lugar na ito.





TABI TABI PO, TATAWID LANG PO 
Ayon sa isang gwardiya, dati rati may 6 na itik silang nilalagay sa tubigan upang makadagdag sa kagandahan ng lugar na iyon. Ngunit kinain ang mga ito ng sawa. Sa tuwing naglalagay sila, kinakain ang mga ito muli kaya napagdesisyunang huwag na lang maglagay. Maaalalang sa nobela ni Rizal, nagmungkahi si Don Custodio na mag-alaga ang mga taong naninirahan sa tabi ng ilog na mag-alaga ng itik upang lumalim ang lupa sa tuwing naghahanap sila ng mga pagkaing suso, nang sa gayon ay hindi na sumadsad ang bapor.



PADONYA'T PA-DON

Nakakapanghinayang na nabura na ang letrang L sa haligi. Medyo madumi rin ang haligi dahil sa pagpreserba rito sa aspetong halatang sementado na ng bago ngunit sa kabila nito’y nakakapagbigay pa rin ito ng pakiramdam ng nakaraan. Ang pagkabakbak ng ilang bahagi ng haliging ito ay mahahalintulad sa nakaraang hindi na natin maibabalik, ngunit pinepreserba ang haligi  ito upang huwag nating makalimutan ang mga pangyayari sa nakaraan at ang mga mahahalagang leksyong natutunan natin.

Sa litrato ng grupo ay makikita ang kagustuhang bisitahin ang panahong ito na nagagawa na lamang ng pag-aaral ng nakaraan at pagtungo mismo sa lugar.

Sana nama’y di kami nagmukhang donya Victorina.


ARRHNNEEOO (ATENEO)
Dapat mukhang maangas yan at hindi jeje haha!

Naisip namin na mataas ang reputasyon at malaki ang parteng nagampanan ng pamantasang ito noong panahon ng ating pambansang bayani. Nagpapakita rin ito na may kaya sila Rizal sa buhay. Mabuti na lamang ay natayo na ang iba pang magagandang pamantasan na nakakapagbigay rin ng kalidad na edukasyon na kayang matamasa ng masa. Naging palaisipan sa amin ang tanong na, “kung sa panahon ito nabubuhay si Rizal, saan kaya siya mag-aaral? 
Napaisip kami na paano kung dito pa din nakatayo ang Ateneo, hindi sana heavy traffic sa Katipunan. Naikonek din namin ang planong paglipat sa UP maraming taon mula sa ngayon papunta sa Quezon province.  Marahil ay dadami din ang establisyamento doon pagdating ng araw kung matutuloy ang planong paglipat sa UP Diliman.” –Krizzy Taguinod


KAGALANG-GALANG NA KAMAHALAN 



Napansin lang naming hindi ito nakadisplay sa madaling makita at madaanan ng mga tao. Mas maganda sana kung mas maraming nakakakita at mas gawing kapansin-pansin ang galeriya. Sa paraang ito maipapakita na ang mga presidente natin ay maipagmamalaki ng bayan. Maaari ring pagmulan ito ng maka-Imeldang paraan at dahilan ng pagpapaganda sa paligid-- na kapag maganda ang paligid mo, mas mamahalin mo ang bansa mo.
Sa aking palagay mas naging maganda kung may nakasulat na maikling impormasyon ukol sa kanilang patatakbo o kaya sikat na quotations nila.




ANG NAWAWALANG KAINAN
GUTOM NA KAMI!!!


Inakala talaga namin na mahahanap pa talaga at makakainan ang Cafe La Campana. Naisip pa nga namin na baka pwede pa kami kumain ng pananghalian namin dito. Ngunit dahil nagsara na nga ito, naghanap na nga lang rin kami ng ibang makakainan. Ngunit kahit nga nagsara na ito at nag-iba na ang lugar, mapapansin mo pa rin ang impluwensya ng lumang Maynila, mga Intsik, at pati na rin ng mga Espanyol dahil sa mga ibang luma at bagong establishments na nakatayo, at pati na rin sa mga pangalan ng kalye.

Ang hirap hanapin ng lugar na ito sapagkat nagsara na ito at napalitan na ng ibang mga tindahan. Sabi ng isang mama, nakatayo raw ito sa isang kanto na ngayon ay may panderiya na. Nagpakuha na rin kami ng retrato dito, ngunit hindit ito tugma sa address na binigay. Mayroon namang apat na kanto sa intereksyon ng Escolta at T. Pinpin at hindi namin sigurado kung saan dito nakatayo mismo
ang dating La Campana.

Ang lugar ay makasaysayan ngunit hindi ito malinis tignan at may makita ring kaming mga dayuhan. Parang nabawasan rin ang “ambience” ng lugar dahil sa iilang mga shops na commersyal. May mga pedicab drivers akong na tila natatawa sa amin at may nagsabing “WOW Philippines!” dahil sa aming kasuotan.